Pangkatang Gawain - "Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral" (Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong)
Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral
Introduksyon
Ang interpretasyon at konklusiyon ng mga datos ng pag-aaral tungkol sa sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral ay ipinakita at ipinaliliwanag sa papel na ito. Kabilang sa mga datos na nabigyan ng interpretasyon at konklusiyon ay ang Kasarian ng mga Kalahok/Impormants, ang Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok/Impormants at ang mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok/Impormants.
Kasarian ng mga Kalahok / Impormants
Ipinakikita
sa Pie Chart ang kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng
Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral. Apatnapu’t lima (45)
o kalahating bahagdan (50%) ng mga kalahok ay babae. Ang natitirang kalahating
bahagdan (50%) naman ay mga lalaki na may bilang din na apatnapu’t lima (45).
Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina
Makikita sa bar graph ang porsyento ng
pagkatuto sa iba't ibang disiplina ng kabuuang bilang ng mga kalahok. Batay sa
bar graph, sa disiplina ng Mapeh sila mas higit na natuto kung saan umabot ito
ng 77.788%, habang sa disiplina ng English naman na may 67.612% sila bahagyang
nahirapan kumpara sa iba pang mga disiplina. Sa mga natira na disiplina,
65.543% ang pagkatuto sa Math, 69.310% sa Science, 70.346% sa Filipino, 71.981
sa Araling Panlipunan, 74.745% sa Edukasyon sa Pagkatao, at 73.245% sa TLE. Masasabing
hindi gaano nagkakalayo ang kanilang pagkatuto sa iba't ibang mga disiplina.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok / Impormants
Ang bar graph ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa Pag- aaral ng mga Kalahok/Impormants. Ito ay may labing tatlo (13) na salik na nakakaapekto sa Pag- aaral. Ayon sa resulta, kawalan ng internet connection ang may pinakamataas na porsyento na may bilang na 4.59. Ang pinakamababa naman ay ang pagkakaroon ng malubhang sakit na may bilang na 1.54. Makikita din na magkakalapit lamang ang resulta ng ibang salik kaya naman maaaring madami pang bagay ang nakakaapekto sa pag-aaral. Kagaya na lamang ng sumunod sa pinakamataas na may bilang na 4.58, ito ay ang kakulangan ng mga impormasyong nakalahad sa modyul. Mataas din ang naging bilang ng kakulangan sa Gadget/s at ito naman ay may bilang na 4.57.
Konklusyon:
Batay
sa mga datos at resultang nakalap ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon
patungkol sa implikasyon ng pandemya sa pang akademikong performans ng mgs mag
aaral
Sa
kabuuang datos nagpapakita na malaki ang epekto ng pandemya sa pang-akademikong
performans ng mga mag-aaral. Ang kabuuang bilang ng naging kalahok ay siyamnapu
na may tig-kalahating bahagdang bilang ang lalaki at babae. Base sa kabuuang
porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok sa bawat subjects ay hindi ganon kaganda
ang mga porsyento ng mga naging kalahok na nagsusuma na malaki ang naging
epekto ng pandemyang ito. Sa kabilang banda, ipinakita din dito ang mga salik
na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag aaral. Base sa datos ay kawalan ng
internet connection ang pinaka naging dahilan upang bumaba ang kanilang mga
porsyento sa mga subjects.
Magpapatunay
lamang na malaki ang naging epekto ng pandemya patungkol sa pang-akademikong
performans ng mga mag-aaral.
Pangkat
A:
Cajucom,
Raphael
Fajardo,
John Carlo
Paranada,
Jene Karlo
Rana,
Mc Eidhref
Robles,
Princess Mae
Sangalang,
Lowell Alexis
Villamin, Trisha Mae
Comments
Post a Comment