Batayang Kaalaman sa Pagsulat - "Alegorya sa Yungib" (Kaugnayan sa Larawan)

Pangkalahatang Panuto:

  1. Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato.
  2. Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay.
  3. Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas.
  4. Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan.
  5. Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan.

BAHAGI NG AKDANG BINASA

PINAPAKSA SA BAHAGI NA NAPILI SA AKDANG BINASA

KAUGNAYAN NG LARAWAN SA NAPILING BAHAGI

Huling bahagi:

 

      Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito. Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka. At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilaynilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan. Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon. Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib. Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

     Ang alegorya ay naisulat o nilikha para magturo ng mabuting asal sa mga tao o magbigay ito ng mga komento tungkol sa kabutihan o kasamaan. Ang paksa ng sanaysay na Alegorya ng Yungib ay nagpaliwanag na mayroong pagkakaugnay ng kapaligiran sa karunungang tinataglay ng mga tao at ano ang pagkakaiba nito sa sariling kaisipan.  Ang yungib sa "Alegorya ng Yungib" ay sumisimbolo sa bahagi ng mundo na humahadlang sa tao para makita ang realidad o ang katotohanan. Ang tao sa yungib ay kumakatawan sa lahat ng tao sa mundo. Ang apoy sa likuran ng tao sa yungib na nagsisilbing liwanag sa loob ng kuweba ay ang mga karunungang natatamo ng tao dito sa mundo. Dahil sa mga karunungang ito, nakikita ng tao ang mga bagay sa mundo ngunit hindi ang kanilang kabuuan sapagkat sila ay nakagapos at nakakulong sa loob ng yungib. Sa oras na sila ay kumawala sa pagkakagapos at lumabas sa yungib, dito pa lang nila matatamasa ang kabuuan ng karunungang natamo.

     Ayon sa sumulat ng akda na si Plato, ang ating buhay ay tila nasa loob ng isang kuweba na nakatanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. Tanging ang mga anino lamang sa labas ng kuweba ang ating nakikita dahil sa apoy na nagpapaliwanag sa ating likuran. Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at tinaguriang “Alegorya ng Yungib.” Ang punto ng may akda sa alegorya ng yungib ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng isang anyo na dapat nating mabatid o hindi mabatid tungol sa ating kalikasan. Pinapahiwatig niya rin na may mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na sila’y gumagawa ng paraan upang makalabas. Ang punto niya ay nagnanais na masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari dito sa mundo dahil inaabuso nating mga tao ang mundo at ginagawa nating isang magulo ang ating pag iisip na sa araw araw ay nakakaranas tayo ng mga suliranin at problema sa buhay.Sa paglipas ng panahon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo; ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita. Sa aninong tinuran ni Plato, hindi ibig sabihi’y hindi katotohanan ang ating nakikita kundi may katotohanang mas makapagpapalaya na hindi makikita sa hugis. Hindi ba’t ang batong ating nakikita ay binubuo ng mga ‘atomos’ na iminungkahi ng dakilang si Democritus? Misteryo pa rin ang pinagmumulan ng grabiti at ang particle na mas maliit pa sa quark na hndi natuklasan.

Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain - "Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral" (Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong)