Pagsasaling Wika - "Online Distance Learning: Isang Tematikang Pag-aaral tungkol sa mga Hamong Kinaharap ng mga Mag-aaral mula sa Educare College Inc."

Online Distance Learning: Isang Tematikang Pag-aaral tungkol sa mga Hamong Kinaharap ng mga Mag-aaral mula sa Educare College Inc.

            Hindi maipagkakailang nagdulot ng maraming pagbabago at hamon sa lahat partikular na sa mga mag-aaral ang pandemyang COVID-19, isa na rito ay ang pagpapalit ng tradisyunal na paraan ng pagkatuto patungo sa paggamit ng modernong paraan o online learning education. Layunin ng pananaliksik na ito ang alamin at pag-aralan ang mga hamong kinahaharap ng mga mag-aaral mula sa Educare College Inc sa pamamagitan ng penomenolohiya at tematikang pag-aanalisa. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng online at face-to-face interbyu upang kunin ang panayam ng mga kalahok patungkol sa online learning education at obserbasyon sa mga nagdaang klase ng mga kalahok upang mapag-aralan at maanalisa ang mga hamong kanilang kinahaharap. Mula rito ay napag-alaman ang iba’t ibang mga salik at hamong nakaaapekto sa paraan ng pag-aaral ng mga kalahok, kabilang na rito ay ang distraksiyon o mga pisikal at digital na sabagal, problemang teknikal, mga isyung pang-akademiko, personal, at pisolohikal.

            Sa isinagawang pananaliksik ay napag-alamang ang pagkakaroon ng mabagal na internet connection ay isa sa pinakamalaking hamon sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Idagdag rito, sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) sinasabing ang internet connection ay isa rin sa mga hamon sa bansa ngayon kabilang sa kahirapan at kurapsiyon. Karamihan sa mga mag-aaral ay apektado ng mabagal na internet connection partikular na ang mga mag-aaral na nasa malalayong lugar kung saan mahina ang signal para sa internet. Nagresulta ang mabagal na internet connection sa hindi lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa pang hamong nabanggit ay ang kawalang-kakayahan ng mga mag-aaral upang magkaroon ng mga kinakailangang gamit tulad ng cellpone at laptop pati na rin ang pagpapakabit ng internet. Sa isang survey ng DepEd (Santos, 2020), sinasabing 2.8 milyong mga mag-aaral ang imposibleng makalahok sa online distance learning dahil sa mga hamong nabanggit.

            Kung ikukumpara sa naiatas na gawain, ang pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral ay kaugnay rin sa pananaliksik na nabanggit sa itaas. Base sa unang datos sa nakaraang gawain, mula sa labing tatlong salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng mga kalahok ang kawalan ng internet connection ang naging pinakadahilan upang bumaba ang porsyento ng pagkatuto sa ibat ibang disiplina. Mauunawaan sa bahahing ito ang malaking gampanin ng teknolohiya at mga teknikal na problema at isyu sa pagkatuto ng mga mag-aaral higit na ngayong pandemya. Isa ito sa mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral, magulang, paaraalan, at administrasyon. Sa patuloy na makikipaglaban sa pandemya ay hindi nararapat na matigil ang edukasyon kung kaya ay marapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong paraan ng pag-aaral upang higit na mapahalagahan at maipagpatuloy ang edukasyon higit na lalo sa ating bansa kung saan laganap pa rin ang kahirapan.

Sa huli, ang dalawang pag-aaral na ito ay nagpapatunay lamang na malaki ang naging epekto ng pandemya patungkol sa pagkatuto at akademikong performans ng mga mag-aaral.


Online Distance Learning: Thematic Study on the Challenges Faced by Educare College Inc. Primary Pupils

Abstract:

           The COVID-19 pandemic has caused a drastic shift from traditional to online distance education which resulted in many difficulties to our learning delivery modes. The purpose of this study is to find out what are the challenges of primary pupils in Educare College, Inc. in Online Distance Learning modality. The researchers employ the use of phenomenological approach and thematic analysis which include face-to-face and online interviews, watching recorded Zoom classes and observations were applied to synthesize and identify the challenges during online classes. Physical and digital distractions, technological and technical difficulties, institutional and academic issues, and personal and psychological barriers are the challenges that the pupils encounter during online classes. Designating a specific area or gadget for online classes, providing intensive training on how to navigate the online learning platforms, maintaining an open communication between teachers and students, using flipped classroom instruction, strengthening parent-teacher partnership in ensuring guidance while learning from home, and providing guidance and counselling to stakeholders are some of the recommended strategies that are suited to the new normal e-learning modality. This research will serve as a guide for educators and students and researchers in the use of online distance learning.

Findings:

        Poor Internet Connectivity. Students cited poor internet connectivity as one of the major challenges in their online distance learning. According to a study released by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS), bad Internet connection is a more pressing problem in the Philippines compared to poverty and corruption (Ordinario, 2017).

        The slow internet connection has affected most, if not the majority of the pupils, especially in remote areas of the city where connection is far more inconsolable. This has resulted in pupils missing part of the lesson.

        Some pupils don’t have the luxury of having laptops or tablets and Internet providers. Some used their mobile data on their phone to connect to their online class. This conforms to the survey of DepEd as cited by Santos (2020) mentioning that 2.8 million students have no way of going online especially in rural areas where internet access and speed is a challenge.


Reference:

Belgica C. et. al., (December 2020). Online Distance Learning: Thematic Study on the Challenges Faced by Educare College Inc. Primary Pupils. Retrieved from https://www.dpublication.com/wp-content/uploads/2020/12/30-10340.pdf


Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain - "Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral" (Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong)