Tekstong Argumentatibo - "Ang Maling Paraang Pinili" (Ang Pananakop ng Bansang Russia sa Bansang Ukraine)
Ang Maling Paraang Pinili
(Ang pananakop ng bansang Russia sa bansang Ukraine)
Ang
bansang Russia laban sa bansang Ukraine. Tama ba ang ginawa ng bansang Russia?
Sa pangunguna ni Presidente Vladimir Putin, nitong nakaraang Pebrero taong
kasalukuyan, naglunsad ng isang military operation ang Russia sa Ukraine. Tinatawag
nila itong “Peace Keeping Operation”, subalit ang lumalabas talaga ay isa itong
pananakop ng bansang Russia sa bansang Ukraine. Ano ba ang dahilin kaya nagawa
ito ng Russia? Sinasabing ang dahilan kaya gustong masakop ng Russia ang
Ukraine dahil gusto muli ni Vladimir Putin ng maging isa sila. Sa kadahilanang
noon ay ang parehong bansa ay nabibilang sa USSR o Soviet Union, na ‘di
kinalaunan ay nabuwag din. Isa pa sinasabing dahilan ay tutol ‘di umano si
Presidente Vladimir Putin sa balak ng Ukraine na pagkilala sa kanila bilang
kasapi ng Europe at sa nais nilang mapabilang sa NATO o North Atlantic Treaty
Organization.
Parte ng
Russian Empire ang bansang Ukraine noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo. Subalit
nagkaroon ng Ukranian War of Independence taong 1917 at ito ay panandalian
lamang dahil nga nagkaroon ng Soviet Union. Nagkaroon naman ng NATO o North
Atlantic Treaty Organization noong 1949 at nangakong poprotektahan nila ang
isa’t isa. Nagdeklara naman ng Kalayaan sa Soviet Denomination ang Republika ng
Ukraine kaya’t kinalaunan ay nabuwag ito at ang alyansang NATO ang naging mas
matibay. Pagdating ng taong 2013, nagkaroon naman ng kasunduan ang samahang
European Union at ang bansang Ukraine subalit bago sila magkaroon ng lagda ay
pumagitna ang mga Pro-Russian. Dahil sa desisyon ng Presidente ng Ukraine,
marami ang nag-rebelde at mas bumaba ang impluwensya ni Presidente Putin sa
Ukranian at naging dahilan upang gumawa ito ng panibagong hakbang. Kinuha niya
ang pwersahan ang Crimea na kung saan ay bahagi ng bansang Ukraine at dito
naman nagsimula ang tunggalian ng Ukraine at Russia at halos labing-apat na
libong tao ang pumanaw. Nito lamang nakaraang Nobyembre taong 2021, may
satellite na nagpapakita ng bagong build-up ng mga tropang Ruso sa hangganan ng
Ukraine, at pinakilos nito ang Moscow sab ilang na isang daang libong sundalo
at kasama ang mga tangke at iba pang kagamitang militar.
Sa pangunguna ni Presidente Vladimir Putin, nitong
nakaraang Pebrero taong kasalukuyan, naglunsad ng isang military operation ang
Russia sa Ukraine. Dito sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ang katagang “Ukraine
belongs to Russia, and they are one people”. Subalit ang Ukraine ay isang
Sovern Nation at may sarili silang linggwahe, mga kultura, at may sariling
sistema at pamamaraan sa pulitika. Sa kabila ng pananakop ay may pangunahing
pakay at dahilan si Presidente Putin sa kanilang pananakop at iyon ay upang
mapigilan ang alyansang NATO sa pagpapalawak ng kanilang nasasakupan at para na
rin bumalik sa dati ang bilang ng nasasakupan nito.
Sa aking
opinyon, hindi ako sumasang-ayon sa ginagawang pananakop ng Russia sa bansang
Ukraine. Hindi karahasan ang sagot kung sakaling meron kang
pagtutol sa desisyon ng ibang bansa. Maling desisyon rin ang ginawa ng bansang
Russia, dahil sa paraang pinili nila, maraming nadadamay na mga sibilyan, mga
matatanda, mga inosenteng tao at maging ang mga bata, at iba pa. Kaya nga mayroong
kalayaan ang bawat bansa, ibig sabihin, kung ano man ang desisyon nito ay hindi
dapat pakialaman ng iba pang mga bansa.
Ang isa sa mga epekto ng digmaan sa larangan ng
Engineering, ay nagbibigay ito ng mga problema na dapat lutasin. Ito ay sanhi
ng giyera na nagiging bunga ng pagkasira ng mga imprastraktura, mga establisyemento
at iba pa. Binibigyan nito ng pagsubok ang mga inhenyero na umisip ng mga
bagong paraan upang mabawasan ang pinsala sa mga imprastraktura at paano ito
mapapatibay upang hindi ito agad agad na masira. Isa pang epekto nito sa
larangan ng Engineering, ay ang pagtaas ng kompetisyon ng bawat panig pagdating
sa kanilang teknolohiya. Natural lamang na kung sino ang mas lamang sa kaalaman
pagdating sa engineering, lalo na kapag may kinalaman sa mga gamit pandigma ay
siyang mas lamang sa laban. Kung sino ang mas moderno, mas makabago, mas
matipid sa gastos, at mas maaasahan, ay ang siyang mas may higit na kalamangan
Ang paggamit ng karahasan ay hindi sagot sa isang problema. Kailangan isaalang-alang palagi ang kapakanan ng mga maiipit at maaapi sa isang giyera. Hindi dapat kinakampihan ang taong sumisira sa kapayapaan. Kawawa ang mga taong naapektuhan dahil wala silang laban at wala silang ibang pagpipilian. Nawa ay panatilihin ng mga bansa ang kapayaan at huwag nang hayaang magkaroon pa ng iba’t ibang giyera tulad ng nagyayari sa kasalukuyan. Alam natin na marami ang maaapektuhan at madadamay. Lahat ng bansa ay may sariling desisyon, respetuhin at ating igalang upang makamit ang kapayapaan.
Comments
Post a Comment