Tekstong Impormatibo - "Neologismo"

Tekstong Impormatibo

(Neologismo)

1.  Kahulugan ng neologismo.

Ang Neologismo ay may kahulugan na "bago" na may kahulugang "pananalita, pagbigkas". Ito ang tawag sa isang bagong termino, salita o parirala na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na wika. Ito ay ang paglikha ng mga bagong salita o bagong kahulugan. Dito mapapatunayan na dinamiko ang ating wika. Malaki ang kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Kung hindi pumasok sa kultura ng Wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho na lamang. Kung kaya't ang pagtanggap ng madla o publiko ang pinakamahalagang dahilan upang manatili ito bilang bahagi ng wika. Ninanais ng adbokasiyang ito na bigyang pansin ang neolohismo bilang paksa upang mabigyang pansin ang paglaganap nito. Bigyang kahalagahan ang neolohismo sa kasalukuyag panahon. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa iba't ibang paraan kung paano lumalaganap ang neolohismo sa modernong panahon.

1.1  Kolokyal

Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi. Mga halimbawa nito ay, "Mayroon — meron", "Dalawa — dalwa", "Diyan — dyan", "Nasaan — nasan", "Sa akin — sakin", "Kailan — kelan", at iba pang mga salita.

1.2  Balbal

Ang balbal na salita ay gamit sa salita o pariralang itinuturing na hindi pormal at karaniwang ginagamit sa mababang uri ng lipunan, gaya ng tinatawag na salitang lansangan o salitang kalye na ginagamit ng mga tao. Mga halimbawa nito ay, "syota", "olats", "omsim", "todas", "sikyo", "two joints", at iba pang mga salita na naririnig natin sa lansangan.

2.  Implikasyon ng neologismo sa pormal na edukasyon.

Una, ang isang ideya ng tao sa isang salita na nagpapahayag ng kanyang sariling opinyon ay lumalaganap. Dahil dito nagaganap ang pagkakaroon at paglikha ng mga bagong salita. Nagkakaroon tayo ng iba't-ibang ideya sa paglikha ng mga bagong salita at maaaring ito ay galing sa kombinasyon ng mga salita.

Pangalawa, patuloy ang paggamit ng mga tao sa iba't-ibang salitang nalikha sa pamamagitan ng mga ideya. Sa patuloy nitong paglaganap ay nakapagdudulot ito ng pagbabago at pagkakaroon ng pagkakaiba.

Pangatlo, ang pagrehistro ng iisang salita lamang ngunit maraming kahulugan ay nagaganap sapagkat ang wika ay dinamiko.

Pang-apat, malaki ang posibilidad ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao sapagkat may iba't-iba tayong pananaw sa isang bagay kung kaya't magdudulot ito ng pagkakaiba o hindi pagkakapareho. Hindi lahat ay sang-ayon sa pagbabago ng wika kung kaya't magdudulot at magdudulot ito ng pag-iral ng iba' t-iba at panibagong mga salita.

 

Ayon kay Castro, I. de (2017), tulad ng gawaing pampanitikan, wika ang pangunahing kasangkapan sa pagsasalin at ang neologismo ay isama na rin. Sa isang pagtanaw, mas mahirap pa ito kaysa gawaing pampanitikan, dahil dalawang wika ang dapat pagpakadalubhasaan ng tagasalin sa ordinaryong sitwasyon. Kailangang dalubhasa siya sa Simulaang Lengguwahe (SL) o ang wika ng isinasaling akda, at ng Tunguhang Lengguwahe (TL) o ang wikang pinagsasalinan ng akda. Hindi rin kailangang nauunawaan lamang natin ang wika ng makata kundi maging ang kaniyang natatanging takbo ng isip at paraan ng pagpapahayag, na mga katangiang ikinabubukod at sa ganoong paraan ay ikinaiiba niya sa lahat ng ibang manunulat. Kapag isinaalang-alang natin ito, kailangang isaloob natin na ibagay ang ating henyo sa kaniya, na idulot ang takbo ng kaniyang isip alinsunod sa kaniyang takbo ng isip, at kung ipahihintulot ng ating dila, o kung hindi man, bahagyang ibahin ngunit hindi ang kasuotan, at lalo nang hindi iibahin o sisirain ang sustansiya.

May kasalungat na saloobin ang pagsasalin. Halimbawa, ang pananaw naman mula sa isang tagasaling may ipinalalagay na superyor na kultura kaysa wika ng isinasalin. Sabi nga noon ni Cicero sa kaniyang pagsasalin ng akdang Griego, isinasalin niya ang mga idea at ang mga porma ng orihinal na Griego ngunit “isinasalin (niya) sa isang wika (Romano) na nakatugma sa ating mga kumbensiyon ng paggamit” (verbis ad nostram consuetudinem aptis). Pinaiiral ni Cicero ang “pribilehiyong imperyalista” ng wika ng makapangyarihang bansa upang samsamin kung bagá ang anumang yaman ng akdang nása wika ng sákop na bansa. Sa ganitong paraan, malaya ang tagasalin na pumilì ng ipinalalagay niyang angkop na paraan ng pagsasalin nang hindi isinasaalang-alang ang maaaring nasikil o nawala mula sa orihinal. (Sakaeva, L., 2017)

Ayon kay Andreina Adelstein (2018), mayroong iba’t ibang uri ang Neologismo na nagmula sa pagbabagong morpolohiko ng mga salita o salita na nasa wika na. Katulad ng neologismo na semantiko na kung saan ay tumutukoy ito sa mga salitang, kahit na bahagi na sila ng isang wika, ay kinukuha sa parehong wika na may ibang kahulugan o kahulugan upang magtalaga ng mga elemento o aspeto ng iba pang mga lugar. Halimbawa: search engine, viral, parquet o virus. Neologismo na teknolohikal, na nauugnay sa mga twists na ang ilang mga salita na gumawa sa mga larangan ng teknolohiya at agham. Halos palagi silang nagmula sa ibang mga wika, sa kaso ng Espanyol mula sa Ingles. Ang pag-uuri na ito ay isa sa pinaka ginagamit ngayon. Halimbawa: scanner, server, selfie o cyberspace.

Ayon sa diksyonaryo ng Royal Spanish Academy (RAE) n.d, ang neologismo ay tumutukoy dito bilang "isang salita, isang kahulugan o isang bagong pag-ikot na tinatanggap sa loob ng isang tukoy na wika". Ang mapagkukunang ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng paraan kung saan ito ipinanganak o nabuo, at maaaring magmula, halimbawa, sa pamamagitan ng pagbagay ng mga termino mula sa ibang mga wika o sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga salita na buhay na sa isang wika. Ang teknolohiya, agham at komunikasyon ang pangunahing tagalikha ng mga neologism. Kinakailangan na tandaan na ang mga ito ay tumigil na maging isang bagong pag-ikot sa isang wika pagkatapos ng isang tiyak na oras ng paggamit (sampung taon) o kapag ginawang normal ng Academy ang pagiging kapaki-pakinabang nito sa pamamagitan ng pagdaragdag nito sa diksyunaryo. Halimbawa, ang "anesthesia" o "radar" ay mga neologism mula sa ibang mga oras, na ganap na natanggap sa aming bokabularyo. Habang, ang mga termino tulad ng "postureo", "crush", "frappe", "escrache" o "post-reality" ay mga bagong neologism.

Ayon kay Roldan, M.J. (2020), Kung ihambing ito sa ating mga sarili, moderno, at hindi bababa sa ating lolo at lola (at kahit na mga magulang), magkakaroon ng makabuluhang pagbabago. Ito ay mahalaga upang makinig o basahin sa komunikasyon ng mga bata at kabataan - kalahati ng kung ano ang kanilang sinabi na hindi maaaring maunawaan. Ang lahat ng ito ay isang katibayan na wika - isang buhay na organismo, patuloy na ito ay nagbabago. Ano ang pag-unlad? Ang pare-pareho ang muling pagdadagdag bokabularyo sa gastos ng ilang mga salita, sa pag-aalaga para sa iba sa nakaraan. Pagkatapos ng lahat, kung ano ang isang neolohismo? Ay isang salita na sa partikular na punto ng oras ay nakita bilang bagong, kamakailan subsumed hindi pinagkadalubhasaan sapat. Bilang pagpapatatag sa wika, may kaugnayan itong kahulugan sa novelty, ito ay karaniwang ginagamit.

3. Posibleng solusyon sa pagkatuto (learning) ng mga mag-aaral.

Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na Edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulatk ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa mga silid-aralan. Ang itinatag na pambansang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-20 siglo ay monolingguwal. Ang ibig sabihin, may iisang wikang panturo ang wikang Ingles. Nagsimulang ipagamit ang Wikang Pambansa bilang wikang panturo sa panahon ng Komonwelt at para sa edukasyon ng mga magiging guro ng Wikang Pambansa. Bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig ay may mga guro nang nagtuturo ng Wikang Pambansa. Sa isang sirkular noong Mayo 3, 1940, iniatas ni Direktor Celedonio Salvador ng Kawanihan ng Edukasyon ang pagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa paaralang sekundarya. Pagkaraan ng digma, unti-unting binuksan ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng Wikang Pambansa bilang wikang panturo.

Sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal, ang mga asignatura sa elementarya at sekundarya ay hinati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles. Bukod sa asignaturang wika at panitikang Filipino, ang mga klase sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Pilipino bilang wikang panturo. Bukod naman sa asignaturang wika at panitikan sa Ingles, ang mga klase sa Matematika at Agham ay Ingles ang wikang panturo.



Mga Sanggunian:

Comments

Popular posts from this blog

Pangkatang Gawain - "Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral" (Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong)