Posts
Showing posts from April, 2022
Tekstong Impormatibo - "Neologismo"
- Get link
- X
- Other Apps
Tekstong Impormatibo (Neologismo) 1. Kahulugan ng neologismo. Ang Neologismo ay may kahulugan na "bago" na may kahulugang "pananalita, pagbigkas". Ito ang tawag sa isang bagong termino, salita o parirala na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na wika. Ito ay ang paglikha ng mga bagong salita o bagong kahulugan. Dito mapapatunayan na dinamiko ang ating wika. Malaki ang kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Kung hindi pumasok sa kultura ng Wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho na lamang. Kung kaya't ang pagtanggap ng madla o publiko ang pinakamahalagang dahilan upang manatili ito bilang bahagi ng wika. Ninanais ng adbokasiyang ito na bigyang pansin ang neolohismo bilang paksa upang mabigyang pansin ang paglaganap nito. Bigyang kahalagahan ang neolohismo sa kasalukuyag panahon. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa iba't ibang paraan kung
Tekstong Argumentatibo - "Ang Maling Paraang Pinili" (Ang Pananakop ng Bansang Russia sa Bansang Ukraine)
- Get link
- X
- Other Apps
Ang Maling Paraang Pinili (Ang pananakop ng bansang Russia sa bansang Ukraine) Ang bansang Russia laban sa bansang Ukraine. Tama ba ang ginawa ng bansang Russia? Sa pangunguna ni Presidente Vladimir Putin, nitong nakaraang Pebrero taong kasalukuyan, naglunsad ng isang military operation ang Russia sa Ukraine. Tinatawag nila itong “Peace Keeping Operation”, subalit ang lumalabas talaga ay isa itong pananakop ng bansang Russia sa bansang Ukraine. Ano ba ang dahilin kaya nagawa ito ng Russia? Sinasabing ang dahilan kaya gustong masakop ng Russia ang Ukraine dahil gusto muli ni Vladimir Putin ng maging isa sila. Sa kadahilanang noon ay ang parehong bansa ay nabibilang sa USSR o Soviet Union, na ‘di kinalaunan ay nabuwag din. Isa pa sinasabing dahilan ay tutol ‘di umano si Presidente Vladimir Putin sa balak ng Ukraine na pagkilala sa kanila bilang kasapi ng Europe at sa nais nilang mapabilang sa NATO o North Atlantic Treaty Organization. Parte ng Russian Empire ang
Pagbabalangkas at Sanaysay - "Ang Mga Kabataan sa Panahon Ngayon"
- Get link
- X
- Other Apps
Ang Mga Kabataan Sa Panahon Ngayon Tesis na Pangungusap: Paniniwala na ang pagbabago ay natural na pangyayari, lahat ng tao, at maging bagay man dito sa mundo ay magbabago at hindi magiging hadlang upang maging ang mga kabataan pa rin ang pag-asa ng ating bayan. A. Unti-unting pagbabago ng panahon, mundo’y nagiging moderno at sibilisado. a. Kinakain na ng “modernisasyon” ang buhay ng mga tao. b. Pindot dito, pindot doon. Ganyan naapektuhan ang mga kabataan. B. Teknolohiya na ating kinokontrol, ay siya na palang nagkokontrol sa atin. a. Bawat makita sa “social media”, ginagaya. b. Sa isang pindot, makukuha ng tao ang kanyang gusto. Pag-asa ng bayan, kabataan pa rin ba? Madalas nating marinig ang katagang nagmula kay Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ngunit, may pag-asa pa nga ba ang ating bayang ginagalawan? Marahil ay ilan iyan sa ating mga katanungan. Dahil sa unti-unting pagb
Malikhaing Pagsulat - "Hinahangad na Pagbabago" (Tula Tungkol sa Pulitika)
- Get link
- X
- Other Apps
Batayang Kaalaman sa Pagsulat - "Alegorya sa Yungib" (Kaugnayan sa Larawan)
- Get link
- X
- Other Apps
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang Alegorya sa Yungib ni Plato. Pumili ng isang paksa / pinapaksa sa binasang sanaysay. Iugnay ang nailing paksa sa grapikong representasyon na nasa itaas. Kinakailangang masakop ng inyong pagpapalinawag ang nais iparating ng sanaysay at ng larawan. Gamitin ang table na nasa ibaba para sa paglalagay ng iyong mga kasagutan. BAHAGI NG AKDANG BINASA PINAPAKSA SA BAHAGI NA NAPILI SA AKDANG BINASA KAUGNAYAN NG LARAWAN SA NAPILING BAHAGI Huling bahagi: Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyar
Pagsasaling Wika - "Online Distance Learning: Isang Tematikang Pag-aaral tungkol sa mga Hamong Kinaharap ng mga Mag-aaral mula sa Educare College Inc."
- Get link
- X
- Other Apps
Online Distance Learning: Isang Tematikang Pag-aaral tungkol sa mga Hamong Kinaharap ng mga Mag-aaral mula sa Educare College Inc. Hindi maipagkakailang nagdulot ng maraming pagbabago at hamon sa lahat partikular na sa mga mag-aaral ang pandemyang COVID-19, isa na rito ay ang pagpapalit ng tradisyunal na paraan ng pagkatuto patungo sa paggamit ng modernong paraan o online learning education . Layunin ng pananaliksik na ito ang alamin at pag-aralan ang mga hamong kinahaharap ng mga mag-aaral mula sa Educare College Inc sa pamamagitan ng penomenolohiya at tematikang pag-aanalisa. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng online at face-to-face interbyu upang kunin ang panayam ng mga kalahok patungkol sa online learning education at obserbasyon sa mga nagdaang klase ng mga kalahok upang mapag-aralan at maanalisa ang mga hamong kanilang kinahaharap. Mula rito ay napag-alaman ang iba’t ibang mga salik at hamong nakaaapekto sa paraan ng pag-aaral ng mga kalahok, kabilang na rito ay an
Pangkatang Gawain - "Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral" (Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong)
- Get link
- X
- Other Apps
Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akademikong Performans ng mga Mag-aaral Introduksyon Ang interpretasyon at konklusiyon ng mga datos ng pag-aaral tungkol sa sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral ay ipinakita at ipinaliliwanag sa papel na ito. Kabilang sa mga datos na nabigyan ng interpretasyon at konklusiyon ay ang Kasarian ng mga Kalahok/Impormants, ang Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok/Impormants at ang mga Salik na Nakaaapekto sa Pag-aaral ng mga Kalahok/Impormants. Kasarian ng mga Kalahok / Impormants Ipinakikita sa Pie Chart ang kasarian ng mga kalahok sa pag-aaral tungkol sa Implikasyon ng Pandemya sa Pang-Akamedikong Performans ng mga Mag-aaral. Apatnapu’t lima (45) o kalahating bahagdan (50%) ng mga kalahok ay babae. Ang natitirang kalahating bahagdan (50%) naman ay mga lalaki na may bilang din na apatnapu’t lima (45). Kabuuang Porsyento ng pagkatuto ng mga Kalahok / Impormants sa bawat Disiplina Makikita sa bar graph ang p